Kakulangan ng Cold storage, nakikitang problema para sa ilang bakuna

Maaaring magpabakuna ang mga taong may “colonial mentality” gamit ang mga bakunang gawa ng Pfizer sa mga pangunahing siyudad na mayroong cold chain capacity.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang mga bakunang gawa ng American pharmaceutical company ay kailangang ilagay sa mga malalamig na pasilidad o may temperaturang nasa -70 degrees Celcius.

Dahil sa mahigpit na low temperature requirement sa Pfizer vaccines, may ilan sa mga bakuna nito ang nasayang sa Estados Unidos.


Aminado si Roque na hindi sapat ang cold chain facilities sa labas ng Metro Manila.

Sinabi naman ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na ang ultra low temperature storage para sa pagpreserba ng COVID-19 vaccines ng Pfizer ay limitado lamang sa Metro Manila at sa mga siyudad ng Cebu at Davao.

Ang mga COVID-19 vaccines na nangangailangan ng -20 hanggang -70 degrees Celcius na temperatura ay ilalagay sa central hub habang ang mga maaaring itago sa 2 hanggang 8 degrees Celcius na storage ay maaaring i-deploy sa suburban at rural areas.

Ang pamahalaan ay mayroong tiyak na supply ng Sinovac, Covovax at AstraZeneca vaccines na inaasahang darating ngayong taon.

Ang initial 50,000 doses mula 25 million supply ng China’s Sinovac ay darating sa bansa sa susunod na buwan.

Ang 30 million doses ng Covovax vaccines na gawa naman ng Spectrum Institute of India ay darating sa bansa sa ikatlong kwarter ng taon.

Ang 2.6 million vaccine doses ng AstraZeneca ay darating sa Hulyo.

Facebook Comments