Kakulangan ng Hospital Beds sa Isabela, Nasa “High-Risk”- PHO

Cauayan City,Isabela- Kinumpirma ni Assistant Provincial Health Officer Dr. Arlene Lazaro na kabilang na sa “high-risk” ang usapin ng kakulangan sa hospital beds sa provincially maintain hospital ng provincial government ng Isabela.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Dr. Lazaro, umabot na sa 98% ang utilization ng COVID-19 beds habang ang mga pribadong ospital ay nananatili naman sa “moderate” o 68%.

Aniya, sadyang nakakabala na ang sitwasyon sa usapin ng kakulangan ng hospital beds sa mga LGU na pinapatakbo ng provincial government.


Hirap na rin umanong ma-accommodate ang mga pasyenteng nasa moderate at severe cases dahil sa sitwasyon.

Facebook Comments