Ikinabahala ng World Health Organization (WHO) ang kakulangan ng mapagkukunan ng malinis na tubig ng mga mahihirap na pinoy sa gitna ng Coronavirus Disease (COVID-19) pandemic.
Ayon sa datos ng WHO, 20 percent ng pinakamahirap na lugar sa Pilipinas ang walang sapat na suplay ng tubig.
Maliban dito, lumabas din sa pag-aaral ng WHO na tatlo sa bawat sampung healthcare facilities sa bansa ang walang access sa malinis na palikuran.
Binigyang-diin ng ahensya na malaki ang epekto ng malinis na healthcare facilities sa pagkontrol ng COVID-19.
Facebook Comments