Nagbabala ang ilang mga kongresista na marami sa mga beaches at resorts ay kulang ng mga trained lifeguards at first aiders.
Ngayong bakasyon, itinutulak sa Kamara na maitakda bilang academic subject sa ilalim ng K to 12 Basic Education Curriculum ang pagtuturo ng swimming o paglangoy.
Layon ng House Bill 3495 o Drowning Prevention Act na mabawasan ang mga insidente ng pagkamatay dahil sa pagkalunod kung may kalamidad o kung may recreational activities.
Sakaling maging batas, kalakip sa ituturo maliban sa paglangoy ay ang cardiopulmonary resuscitation para sa pagligtas ng buhay.
Batay sa ulat ng World Health Organization (WHO), umabot na sa 372,000 tao sa buong mundo ang namatay dahil sa pagkalunod.
Sa Pilipinas, naitala naman ang average na mahigit 2,400 na pagkamatay kada taon mula nuong 1980 hanggang 2011.