Malalaking simbahan at mga sikat na mga beaches sa bansa prayoridad na bantayan ng PNP ngayong summer season

40

Tiniyak ni PNP Chief Police General Oscar Albyalde na mababantayan ang mga malalaking cathedral at mga sikat ng mga beaches o mga tourist destinations sa bansa ngayong summer season.

 

Aniya inaasahan na nilang dadagsain ito ng mga turista mapa local o foreign tourist man ito kaya naman nagdagdag sila ng mga top cop o ang mga tourist police na sinanay ng Dept of tourism.

 

Paliwanag ni Albayale na hindi lahat ng tourist police na makikita sa mga tourist destinations ay sinanay ng DOT iba aniya dito para sa police visibility lang

 

Maliban sa mga tourist police ay una nang nagdeploy ang PNP ng mahigit 91,000 mga pulis na itinalalaga sa mahigit apat na libong police assistance desk para tiyakin ang seguridad ng publiko ngayong panahon ng bakasyon na bahagi ng oplan sumvac o summer vacation 2019.

Facebook Comments