Umapila ang mga evacuees sa mga kinaukulan na magdonate ng mga under wear, gatas ng bata, ortalets at diapers dahil wala na silang magagamit sa apat na araw nilang pananatili sa covered court ng Sta. Teresita Batangas.
Una rito dinalaw ni Vice President Leni Robredo ang naturang evacuation Center at namigay ng mga groceries sa mga nabiktima ng pag-aalburuto ng Bulknag Taal.
Pumalo sa 179 pamilya o katumbas ng 678 individuals ang nanatiling nasa Sta. Teresita Court Court Batangas kung saan ang pangunahing problema nila ay ang Palikuran dahil iisa lamang ang kanilang palikuran.
Sapat naman ang mga pagkain ang naibibigay sa mga evacuees maliban nalamang sa naturang mga problema.
Facebook Comments