Cauayan City, Isabela – Malaki umano ang epekto ng kakulangan sa pasilidad at mga gamit pagdating sa pagganap o pagsasanay ng mga manlalaro sa lungsod ng Cauayan para sa darating na CAVRAA 2019.
Ito ang naging pahayag ni ginoong Jonathan Medrano, ang Cauayan City Sports Development Officer sa panayam ng RMN Cauayan.
Aniya, hindi naman umano sila tumitigil sa paggawa ng paraan upang matugunan ang kakulangan ng pasilidad sa pagsasanay.
Sinabi pa ni ginoong Medrano na malaki naman ang kanyang pasasalamat sa punong lungsod ng Cauayan sa kanyang suporta pagdating sa sports.
Sa ngayon ay inaasahan naman na matatapos na sa lalong madaling panahon ang ginagawang sports complex dito sa lungsod upang magamit na ng mga manlalaro sa kanilang pagsasanay.
Samantala mananatili umano na malaking inspirasyon parin sa lahat ng atleta ang mga national players na mula sa lungsod ng Cauayan.