Kakulangan ng sapat na pondo at hindi malinaw na distribution plan para sa COVID-19 vaccine, pinuna ni Sen. Drilon

Duda si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa kahandaan ng bansa na pangasiwaan ang pagbili at pamamahagi ng COVID-19 vaccine oras na maging available na ito sa merkado.

Sa isang panayam, binigyang-diin ng senador na hindi sapat na pondo sa pagbili ng bakuna at kakulangan ng malinaw na distribution plan.

Ayon kay Drilon, suportado niya ang polisiya ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. pagdating sa vaccine procurement pero kulang ang pondo para rito.


Sa ilalim ng panukalang P4.5 trillion 2021 national budget, nabatid na P2.4 billion lang ang inilaan para sa pagbili ng COVID-19 vaccines.

Dahil dito, tiniyak ng senador na isusulong nila na madagdagan ang budget para sa COVID-19 vaccine procurement at administration.

Kaugnay naman ng distribusyon ng bakuna, iginiit ni Drilon na dapat matapos sa lalong madaling panahon ang groundwork para rito.

Facebook Comments