KAKULANGAN SA BIGAS | Zamboanga City – isinailalim na sa state of calamity

Isinailalim na sa state of calamity ang Zamboanga City bunsod ng kakulangan sa suplay ng bigas.

Ito ay makaraang umabot na sa P70 ang presyo ng kada kilo ng commercial rice sa lungsod.

Ayon kay Zamboanga City Mayor Beng Climaco-Salazar – nais nilang maibaba sa 40 hanggang 50 pesos ang kada kilo ng bigas.


Magpapatupad din sila ng price control at titiyaking mananagot ang mga negosyanteng hindi susunod sa itinakdang presyo ng bigas.

Samantala, pinag-iisipan na rin ng provincial government ng Zamboanga Sibugay na magdeklara ng state of calamity dahil rin sa kulang na suplay ng bigas.

Nabatid na P60 na ang presyo ng kada kilo ng bigas sa lalawigan habang P65 naman sa Pagadian.

Dahil dito, isinusulong ngayon ng grupong bantay bigas ang pagpapatupad ng provicional price control.

Sinang-ayunan din ito ni laban konsyumer Atty. Vic Dimagiba dahil hindi raw sapat ang binibiling imported rice ng gobyerno para mapababa ang presyo ng bigas sa mga pamilihan.

Pero giit ni NFA Spokesperson Rex Estoperez – mas lalong magkaka-problema ang bansa kung kokonrolin ang presyo ng bigas.

Ngayong buwan, inaasahang darating sa Zamboanga City ang dagdag na 150,000 sako ng NFA rice.

Facebook Comments