Naniniwala ang isang sang vaccine expert na ang kakulangan sa impormasyon ang dahilan kung bakit mapili sa COVID-19 vaccine ang publiko.
Kasunod ito ng ulat na mas maraming Pilipino ang gustong magpabakuna ng Pfizer.
Ayon kay Philippine Foundation for Vaccination Executive Director Dr. Lulu Bravo, kailangang magtulong-tulong ang national government at Local Government Units (LGU) sa pagbibigay ng tamang impormasyon para mawala ang pagiging bias sa COVID-19 vaccine.
Aniya, lahat ng bakunang pinayagang gamitin ay epektibo dahil dumaan ito sa masusing pag-aaral.
Matatandaang nagsalita si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi dapat mamili ng bakuna ang publiko dahil lahat ng mga dumarating sa bansa ay ligtas gamitin at epektibo panlaban sa COVID-19.
Facebook Comments