Kakulangan sa sports facilities, problema ng Cauayan South Central School!

*Cauayan City, Isabela- *Kakulangan sa  sports facilities ang isa sa mga problemang kinakaharap ngayon ng Cauayan South Central School, Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Dr. Liwliwa Calpo, Principal ng Cauayan South Central School, malaking dahilan aniya ang kakulangan ng kanilang pasilidad at sapat na espasyo para sa mga atleta sa hindi pagkakapanalo sa ilang laro sa Cagayan Valley Regional Athletic Association (CAVRAA) Level.

Nais rin aniya na makatuntong ang kanilang paaralan sa National level subalit malaking factor umano ang kakulangan ng kanilang mga gamit sa pag-eensayo upang mahubog at masanay ng mabuti ang kanilang mga manlalaro.


Samantala, inihayag rin ni Dr. Calpo na nabawasan na ang kaso ng bullying sa naturang paaralan dahil nagsasagawa na sila ng orientasyon sa mga magulang ng mga estudyante at pagsasagawa ng programa sa mga mag-aaral hinggil sa pag-iwas sa pambubully.

Facebook Comments