KALABOSO | 2, arestado sa Maynila dahil sa iligal na droga

Manila, Philippines – Arestado ang dalawang indibidwal sa alley three corner Domingo Santiago, Brgy 576 zone 56, Sampaloc, Manila.

Base sa inisyal na imbestigasyon, agad na rumispunde ang mga tauhan ng Manila Police District sa lugar matapos makatanggap ng tawag mula sa isang concerned citizen kugnay sa iligal na gawain ng mga suspect na sina Marvin Herrera at Jaime Batrina, na kapwa kabilang sa drug watchlist.

Narecover mula sa mga ito ang dalawang plastic sachet ng hinihinalang shabu.


Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments