TINANGGAP NA? | Pagiging kalihim ng DICT, tinanggap na umano ni Honasan

Manila, Philippines – Maugong sa Senado ang impormasyon na tinanggap na ni Senator Gringo Honasan ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging kalihim siya ng Dept. of Information and Technology (DICT).

Ayon sa source, plano ni Honasan na magbitiw sa Disyembre kung hindi magbabago ang isip o alok sa kanya ng Pangulo.

Nais daw ni Honasan na tapusin muna ang pagbusisi ng Senado sa panukalang pambansang budget sa taong 2019.


Pero si Honasan, ayaw magbigay ng pahayag ukol sa nabanggit na balita.

Ang ikalawang termino ni Honasan sa senado ay magtatapos sa june 2019.

Facebook Comments