KALABOSO | 2 miyembro ng "ipit gang", arestado sa Maynila

8

Manila, Philippines – Arestado ang dalawang miyembro ng “ipit gang” matapos pagnakawan ng cellphone ang isang call center agent habang sakay ng pampasaherong jeep sa Sampaloc, Maynila.

Kinilala ang dalawa bilang sina Arnold Ologenio at Pablo Castro.

Ayon sa pulisya, modus ng mga suspek ang libangin ang mga pasahero saka iipitin para madukot ang mga laman ng bulsa ng mga ito.

Umamin naman ang dalawa na halos anim na taon na nila itong ginagawa ang pagnanakaw.

Natuklasan ding labas-masok na ang mga ito sa kulungan dahil sa mga kaso gaya ng theft at robbery.

Pinag-iingat naman ngayon ng mga pulis ang publiko dahil posibleng mas dumami ang parehong modus lalo na at papalapit na ang kapaskuhan.

Kakasuhan ang dalawa ng theft pero bailable ito kaya posibleng makalabas ulit ang mga suspek kung makakapagpiyansa sila.

Facebook Comments