TIMBOG | 42-anyos na lalaking gumahasa sa isang menor de edad, arestado

145

Marikina City – Kalaboso ang isang 42-anyos na spa manager matapos gahasain ang isang 14-anyos na babae sa Marikina City.

Sinundan ng mga operatiba ng Eastern Police District-Criminal Investigation and Detection Group (EPD-CIDG) ang suspek na si Charles Morrison na dadalhin sana sa isang hotel ang 14-anyos na biktima.


Pero natunugan ng suspek ang entrapment operation kaya agad niyang pinatakbo ang kaniyang kotse.

Dahil matrapik sa lugar, naabutan siya ng mga awtoridad na humabol sa kaniya.

Ayon kay Chief Inspector Benigno Meneses, hepe ng EPD-CIDG, batay sa biktima pinilit siya ng suspek na makipagtalik.

Aniya, hindi alam ng biktima na kinunan siya ng video ng suspek na ginamit nitong panakot na ipapakalat kung hindi susundin ang mga gusto niya.

Hindi naman itinanggi ng suspek na may nangyari sa kanila ng biktima.

Aniya, hindi niya alam na menor na edad ang dalagita na nakuha niya bilang “escort service” sa Facebook.

Nakita sa cellphone ng suspek ang nasa 90 malalaswang video at nakuha rin rito ang mga discount cards sa mga motel, sex toys, drug paraphernalia at isang pakete ng hinihinalang shabu.

Nahaharap ang suspek sa mga kasong direct assault dahil sa tangkang pagtakas, rape, paglabag sa Anti-Voyeurism Act, paglabag sa Violence Against Women and Children Law, child pornography at paglabag sa Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments