KALABOSO | 2 suspek sa pagpatay, arestado sa Bulacan

Bulacan – Kalaboso ang dalawang suspek kabilang ang isang menor sa panggagahasa at pagpatay sa isang 15-anyos na dalagita sa Barangay Dampol Uno, Pulilan, Bulacan.

Kinilala ang mga suspek na sina Melvin Altobar, 22-anyos at isang 16-anyos na binatilyo.

Nadiskubre ang krimen matapos na lumutang at inanod ang katawan ng biktima hanggang sa matagpuan sa creek.


Lumalabas sa imbestigasyon na huling nakasama ng biktima ang dalawa kung saan nakuha pa ang cellphone ng dalagita na sinanla sa kapitbahay ng suspek.

Inamin naman ni Altobar na nagawa nilang gahasain at patayin ang biktima dahil sa sobrang kalasingan.

Facebook Comments