ROAD CRASH | Motorcycle rider, patay matapos mabangga at magulungan ng truck sa Muntinlupa

Muntinlupa City – Patay ang isang motorcycle rider matapos bumangga sa isang truck sa southbound lane ng Alabang Viaduct, Barangay Alabang, Muntinlupa City.

Dead on arrival sa ospital ng Muntinlupa ang biktimang si Roderick Castelo, 30-anyos habang nakakulong na ang truck driver na si Cesar Romero.

Sa imbestigasyon, nag-overtake ang biktima habang sakay ng kaniyang motorsiklo na may plate number na AX-125E kung saan nakasalubong nito ang truck.


Hindi na nagawang maka-preno pa ni Romero kaya at nasalpok nito ang biktima kung saan pumailalim pa ito hanggang sa magulungan na naging dahilan ng kanyang pagkasawi.

Facebook Comments