KALABOSO | 34 na Chinese national, arestado dahil sa iligal na pagtatrabaho sa Pilipinas

28

Manila, Philippines – Arestado ng Bureau of Immigration ang 34 na Chinese National na iligal na nagta-trabaho sa bansa.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, nagta-trabaho bilang mga construction worker sa isang construction site malapit sa SM Mall of Asia sa Pasay ang mga dayuhan.

Inaalam na ng B.I. ang visa status ng mga Chinese national para maberipika kung overstaying na ang mga ito sa bansa.

Kapag napatunayang undocumented alien, posible silang kasuhan at ipapatapon pabalik sa China.

Napag-alaman ng B.I na pumasok sa bansa ang mga dayuhan bilang turista.

Facebook Comments