PUMANGALAWA | Dating Senador Manny Villar – ika-2 sa pinakamayayaman sa Pilipinas – ayon sa Forbes

69

Manila, Philippines – Pumangalawa ang businessman at dating Senador na si Manny Villar sa pinakamayayamang tao sa Pilipinas.

Base ito sa listahan ng forbes business magazine.

Nabatid na umabot na ang net worth ng dating Senador sa 5-billion dollars o katumbas ng P267.3-billion.

Tatlong beses itong mas mataas kumpara sa net worth na $1.6 billion noong nakaraang taon.

Ito na ang pinakamataas na pwestong naabot ni Villar simula nang mapabilang siya sa eksklusibong listahan noong 2006.

Pinalitan niya sa pwesto ang Chinese-Filipino businessman na si John Gokongwei Jr. na ngayon ay nasa ikatlong pwesto.

Samantala, nananatili namang nangunguna sa listahan ang chairman ng SM investments na si Henry Sy na may net worth na $18.3 billion.

pasok din sa listahan sina:

1. Henry Sy – $18.3 BILLION
2. Manuel Villar – $5 BILLION
3. John Gokongwei Jr. – $4.4 BILLION
4. Jaime Zobel De Ayala – $4 BILLION
5. Enrique Razon Jr. – $3.9 BILLION
6. Tony Tan Caktiong – $3.85 BILLION
7. Lucio Tan – $3.8 BILLION
8. Ramon Ang – $2.85 BILLION
9. George Ty – $2.75 BILLION
10. Andrew Tan – $2.6 BILLION

Facebook Comments