KALABOSO | 4 arestado sa ilegal na droga sa Maynila

Manila, Philippines – Arestado sa mga tauhan ng Manila Police District Pandacan Police Station 10 ang apat na katao matapos na magsagawa ng buy-bust operation sa Hollywood Street corner Felix Street Pandacan Maynila.

Nakilala ang mga suspek na sina Bernard Ryan Tumaneng 19-anyosM Jameson Javier 25-anyos, Jairee Scott 22-anyos at Luisito Jumaquio 53-anyos.

Ayon kay MPD Spokesman Superintendent Carlo Manuel nagpanggap na bibili ng shabu ang isang pulis sa mga suspek at nang iaabot na ang isang libong pisong mark money ay agad na dinakma ng mga operatiba ng Station 10 ang apat kung saan nakuha sa kanilang pag-iingat ang 10 pirasong plastic sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu at isang kalibre 38 baril.


Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Act at Illegal Possession of Firearms ang isinampang kaso ng MPD laban sa mga salarin.

Facebook Comments