Gilas Pilipinas kakalabanin ang Syria para sa ikalimang puwesto sa Asian Games

Ngayon pa lamang ay abala na ang coaching staff ng Gilas Pilipinas para sa ikalawang round ng FIBA World Cup qualifiers.

Ito ay kahit haharapin pa ng national team ang Syria bukas para sa ikalimang puwesto sa basketball competitions ng 2018 Jakarta Palembang Asian Games sa Indonesia.

Ayon kay Coach Yeng Guiao, nais niyang makauwi agad ang koponan pagkatapos ng laban nila kontra Syria.


Gusto kasi ni Guiao na sa Lunes ay agad mag-practice na agad ang koponan para sa laban naman nila kontra Iran sa Tehran sa darating na Setyembre a-trese.

Sabi pa ni Guiao, kumpleto na ang mga scouting report ng mga assistant coach nito sa Iran, Qatar at maging sa Kazakhstan.

Posible rin aniyang may pagbabago sa line-up ng Gilas na lalaban sa Iran at Qatar na makakaharap naman nila sa home game sa Setyembre 17.

Facebook Comments