Manila, Philippines – Arestado ang apat na estudyante matapos na dukutin ang kapwa nila estudyante sa lungsod ng Maynila nitong nakalipas na araw ng Miyerkules( August 1).
Kinilala ang mga suspek na sina Jhulius Atabay, Ferdinand Dela Vega Jr, Ralph Emmanuel Camaya at Justine Mahipus mga estudyante ng Colegio de San Juan de Letran sa Balut, Tondo, Manila.
Ayon kay PNP Anti Kidnapping Group Director Police Chief Supt Glen Dumlao, alas 9:30 ng gabi kagabi habang nagaabang ng bus ang 19 anyos na biktima at isang Jhulius Atabay na napagalamang kasabwat sa pagdukot, sa may bahagi ng Central LRT station, Manila na sapilitan silang tangayin ng anim na mga suspek na sakay ng Toyota Innova.
Makalipas ang ilang minutong byahe agad na ibinaba si Atabay na agad na nakatangap ng tawag at humihingi ng ransom na 30 milyong piso kapalit ng kalayaan ng biktima.
August 3, 2018 matapos ang isinagawang interogasyon ng mga pulis mula sa PNP Anti kidnapping group kay Atabay ay ibinunyag nito ang mga kasabwat nito sa pagdukot.
Dahil dito buhay na nailigtas ang biktima na natagpuan sa isang safe house sa Balut Tondo Maynila nitong nakalipas na Byernes ng gabi.
Habang pinaghahanap pa anim na estudyanteng sangkot sa pagdukot na kinilalang sina Eriek Candaba, Arvi Velasqez, Gabriel Gabi, Miguel Austria, Billy Rocillo at Kim Pascua.