Lokal na Manager ng STL sa City of Ilagan, Patay Matapos Pagbabarilin!

443

City of Ilagan, Isabela – Pinagbabaril kahapon ng hindi pa nakikilalang suspek ang lokal na manager ng Small-Town Lottery o STL sa tapat ng isang car wash at malapit sa kapitolyo ng Isabela partikular sa Brgy. Alibagu, City of Ilagan.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay PO2 James Pattalitan, imbestigador ng PNP Ilagan na ang biktima ay kinilalang si Delfin Atluna na residente ng Brgy. Bliss, City of Ilagan, Isabela.


Aniya, nasa loob ng isang kubo si Atluna, malapit sa isang car wash, ng bigla na lamang lapitan ng suspek na sakay ng itim na motorsiklo at pinagbabaril ito kung saan ay nagkaroon ng dalawang tama ng baril sa ulo at isa sa likod na bahagi ng katawan ng biktima na sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Ayon pa kay SPO2 Pattalitan, nakasuot umano ng puting t-shirt at puting bullcap ang bumaril kay Atluna na mabilis tumakas patungo sa norteng direksyon.

Idinagdag pa ni Pattalitan na narekober ng SOCO team ang apat na basyo ng caliber 45 sa pinagyarihan ng krimen at may nakuha naring CCTV Footage mula sa car wash shop ngunit malabo umano ito.

Samantala narekober ng kapulisan ang kulay itim na  motorsiklo sa nasabi ring barangay na ginamit ng suspek upang makalayo lamang sa mismong lugar.

Sa ngayon ay patuloy parin ang isinasagawang pagsisiyasat ng PNP Ilagan upang malaman ang motibo ng pamamaril kay Delfin Atluna.

Facebook Comments

From Advertisers