KALABOSO | 4 na personalidad, arestado sa paggamit ng iligal na droga sa Marikina City

Marikina – Sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang apat na kalalakihan matapos na magsagawa ng buy bust operation ang mga Operatiba ng Marikina Police Station Drug Enforcement Unit sa Concepcion Uno Marikina City.

Nakilala ang mga suspek na sina Marco Antonio Pamatmat 51 anyos; John Ryan Paganpan 25 anyos, Retyfel Mesde 36 anyos, at Joselito De Guzman , 38 anyos,.

Napag-alaman na nagsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Marikina City Police Station Station Drug Enforcement Unit sa #826 JP Rizal St., Brgy. Concepcion Uno, Marikina City.
Narekober sa mga suspek ang 6 piraso maliit na plastic sachets na may lamang pinaghihinalaang shabu at Php 400 na buy bust money.


Facebook Comments