KALABOSO | 5 arestado matapos maaktuhang nagda-drug session sa Santa Ana, Maynila

Manila, Philippines – Lima ang arestado matapos maaktuhang nagda-drug session sa isang bahay sa Santa Ana, Maynila.

Maghahain lang sana ng search warrant ang pulisya nang matiyempuhan ang limang lalaking gumagamit ng shabu kabilang ang target na si Rodel Gutierrez.

Nakumpiska sa kanilang ang maraming sachet ng shabu kabilang ang isang baril at isang kilo ng marijuana.


Aminado naman si Gutierrez sa pagbebenta ng shabu na nahaharap sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments