SAWI | Dating La Union 2nd District Rep. Eufranio Eriguel – Patay sa Pananambang

La Union – Patay ang dating congressman ng 2nd district ng La Union na si Eufranio Eriguel matapos pagbabarilin sa Barangay Capas, bayan ng Agoo.

Nasawi rin sa pananambang ang dalawang civilian security ni Eriguel na sina Mac Roel Tovera at Bobby Ordinaryo.

Nagtatalumpati lamang si Eriguel sa isang general assembly para sa mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections nang lapitan ng isang gunman na naka-maskara.


Humarang ang dalawang security para protektahan si Eriguel pero pare-parehas silang napuruhan.

Hindi pa malinaw ang motibo sa pamamaril at pag-aaralan ang kopya ng CCTV sa pinangyarihan ng insidente.

Bubuo na rin ng special investigation task group ang Agoo Municipal Police habang patuloy ang pagtugis sa mga suspek na tumakas lulan ng isang SUV.

Facebook Comments