KALABOSO | 5 matataas na communist terrorist at 2 miyembro ng Maute, naaresto ng PNP at AFP

Manila, Philippines – Limang matataas na opisyal ng Communist terrorist at dalawang miyembro ng Maute Terrorits group ang naaresto na ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police at Armed forces of the Philippines.

Ito ang kinumpirma nina AFP Chief of Staff Gen. Carlito Galvez at PNP Chief Oscar Albayalde sa kakatapos lamang na Joint Peace and Security Coordinating Committee meeting sa Camp Crame.

Anila ang pagkakaaresto sa mga ito ay malaking tulong para malusaw na ang Red October plot.


Kabilang sa mga naaresto ay sina Edilberto Silva ang isa National Democratic Front Consultant at Edicel Legaspi, Ernesto Lorenzo

Sa kabila ng pagkalusaw ng red October plot, hindi aniya nagpapakampante ang AFP at PNP.

Nagpapatuloy aniya ang kanilang tulungan para sa intelligence gathering upang hindi pa rin ang nakaubra ang planong pagpapabagsak sa Duterte administration.

Facebook Comments