KALABOSO | 7 "fixer" na nag-iimprenta umano ng mga libro sa China, timbog

Kalaboso sa entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pitong “fixer” na nag-iimprenta umano ng mas murang mga libro sa China.

Ayon sa St. Andrews Publishing House, nanalo sila ng kontrata sa Department of Education (DepEd) para maglabas ng textbook nang umeksena ang pitong suspek na nagpresentang nag-iimprenta ng mga libro sa China sa mas murang halaga.

Anila, nagbayad sila ng P500,000 sa suspek pero makalipas ang walong buwan ay wala pa ring naiimprentang aklat.


Naningil pa raw ng dagdag na P4.5 milyon ang mga suspek para madaliin at mapadala na ang mga libro galing China.

Pero nang kusang mag-imbestiga ang publishing house, lumalabas na wala talagang iniimprentang libro sa China.

Nahaharap ngayon ang pitong suspek sa kasong syndicated estafa.

Nag-abiso naman ang NBI na huwag pumatol sa mga nagpapakilalang mga fixer sa mga ahensiya ng gobyerno.

Facebook Comments