Cebu – Arestado ng NBI ang walong indibidwal na nasa likod ng illegal land conversion sa Lapu-Lapu City ,Cebu.
Ito ay matapos magpositibo ang surveillance activities sa subdivision na pag-mamay-ari ng Peublo de Oro Development Corporation.
Ayon sa NBI, iligal na iki-nonvert ng nasabing kumpanya ang mahigit sa 23-ektaryang forest land at wetland na covered ng mangrove forest.
Kabilang sa mga maaresto ang head engineer na si Roleda Benjamin Yu, Engineer Sumalpong Charlie at mga drivers ng mga heavy equipment na ginagamit sa land conversion.
Isinalang na sa inquest proceedings ang walo sa Regional Trial Court at Municipal Trial Court ng Lapu-Lapu City dahil sa paglabag sa Philippne Fisheries Code of 1998 at Revised Forestry Code of the Philippines.