Parañaque City – Nahaharap sa deportation ang siyam na Korean nationals matapos mahuli ng Bureau of Immigration (BI) na iligal na nagta-trabaho sa ilang business establishments sa isang subdivision sa Parañaque City.
Ang naturang mga Koreano ay nahuling nagtatrabaho sa mga tindahan, restaurants at language school sa nasabing lungsod.
Sila ay pawang may mga pinanghahawakang tourist visa.
Kinilala ang mga naaresto na sina Seongjin Chung, Heakyung Pyun, Doyeon Kim, Myoungkyu Seong, Eun Kyung Lee, Kwan Soo Heo, Jeong Dong Kim, Sanghwan Pyun at Song Min Sup.
Facebook Comments