KALABOSO | 9 na mga dayuhan, arestado sa Maynila at Pasay

Manila, Philippines – Arestado ng Bureau of Immigration (BI) ang siyam na Chinese nationals na nagtatrabaho sa bansa bilang vendors nang walang kaukulang permit.

Kinilala ang mga naaresto na sina Cai Shaoqiu, Cai Shengfeng, Tian Changsheng, She Lijuan, Lin Manyi, Zeng Xinfu, Xiao Jinxiang, Zhang Yang Sheng at Chichi Zhuang.

Ang naturang mga dayuhan ay agad na ipapa-deport ng Bureau of Immigration (BI) matapos mabigong magpakita ng immigration documents.


Muli namang nanawagan ang BI sa mga dayuhang pumapasok sa bansa na irespeto ang Philippine Immigration Laws.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments