KALABOSO | Apat na magkakaibigan, arestado habang nasa jamming session sa Caloocan City

Caloocan City – “Walang Iwanan”.

Ito ang naging motto ng apat na magkakabigan matapos silang maaresto dahil sa iligal na droga sa Caloocan City.

Nakilala ang mga suspek na sina Dennis Maquinto, Alvin Santos, Herman Pasco at Maricris Santos.


Nadakip ang mga suspek habang nagja-jam session sa Miracle Street, Barangay,153, Bagong Barrio, Caloocan kung saan nakuha sa kanila ang mga sachet na pinaglagyan ng shabu at mga drug paraphernalia.

Nabatid na may tsansa sanang makatakas sina Alvin at Dennis pero dahil sa nasakote na ang dalawa nilang kaibigan ay napag-desisyunan nila na sasamahan na lamang ang mga ito.

Facebook Comments