Guro sa Tuao Cagayan, Nasuspinde Matapos Manakit ng Estudyante!

Tuao, Cagayan- Disididong magsampa ng kaso ang pamilya ng isang Grade 4 pupil matapos abusuhin ng kanyang guro sa Barangay Mungo, Tuao, Cagayan.

Kinilala ang gurong suspek na si Benita Lu, nasa tamang edad, may asawa at residente ng nasabing lugar.

Batay sa ulat na natanggap ng RMN Cauayan mula sa PNP Tuao, naglilinis umano ang bata sa loob ng kanilang klasrum nang aksidenteng matabig nito ang mesa ng kanyang guro.


Dahil umano sa galit ng kanyang guro ay binatukan at tinapik nito ng malakas sa tiyan ang biktima.

Bagama’t nag-usap na ang pamilya ng bata sa guro ay desidido pa rin umano ang ama ng bata na magsampa ng kaso laban kay Benita Lu lalo na at na-trauma na umano ang biktima.

Samantala, pansamantalang nasuspinde sa pagtuturo ang nasabing guro matapos ireklamo ito ng pamilya ng biktima.

Facebook Comments