KALABOSO | Babae na kasama sa listahan ng most wanted sa Navotas City, arestado

29

Navotas City – Hindi na nakapalag pa ang isang babae na kasama sa most wanted person ng Navotas City matapos ito maaresto ng mga otoridad.

Kinilala ang suspek na si Mary Rose Olan, 27-anyos na residente ng Daang Hari sa nabanggit na lungsod.

Nabatid na si Olan ay pang-17 sa top most wanted at mayroon kasong 26 na bilang nang pagnanakaw.

Sa ngayon, hawak na ng pulisya si Olan ay nakatakdang dalhin sa korte para harapin ang kaniyang kaso.

Facebook Comments