KALABOSO | Babaeng wanted, huli sa Las Piñas City

48

Las Piñas – Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang isang babae na matagal nang nagtatago sa batas dahil sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga sa Sampaguita Dulo, Pillar Village, Las Piñas City.

Kinilala ang naaresto na si Ma. Ericka Balintag.

Nadakip si Balintag sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Ismael Duldulao ng Las Piñas Regional Trial Court Branch 197 dahil sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act.

Aabot sa 200,000 Pesos ang inirekomendang piyansa laban kay Balintag para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Nakakulong ngayon sa Las Piñas Police Station habang hinihinatay ang commitment order mula sa Korte.

Facebook Comments