KALABOSO | Dalawang drug suspek, arestado sa buy-bust operation sa Muntinlupa City

Muntinlupa City – “Walang iwanan” ito ang nasabi ng isang lalaki matapos na maaresto ang kaniyang kaibigang babae sa buy-bust operation sa Barangay Putatan, Muntinlupa City.

Nakilala ang mga nadakip na sina Rosalie Malicsi at Juan Carlos.

Si Malicsi ang level 2 high value target ng Muntinlupa PNP kung saan nakuha sa kanila apat na plastic sachet ng shabu at isang SUV na may plate number na XGL-660 na ginagamit nila sa kanilang transaksiyon.


Nabatid na may tsansa pa sanang makatakas si Carlos na siyang nagmamaneho ng SUV pero hindi ito tumakbo at sa halip ay sinamahan ang kaibigang si Rosalie.

Facebook Comments