KAKAIBA | Isang 71-anyos na lola sa Mexico, anim na buwang buntis

Mexico – Hindi pa din makapaniwala ang mga doctor sa Mexico sa isang 71-anyos na lola na nagda-dalang tao.

Sinasabing anim na buwan ng buntis ang lolang si Maria De La Luz kung saan ito na ang kaniyang ika-walong anak.

Para masigurado, sumailalim pa si lola Maria ng sampung beses sa ultrasound at inaasahan niyang baby girl ang kaniyang ipinagbubuntis.


Hindi naman matanggap ng mga anak ni Maria ang kaniyang sitwasyon pero masaya at hindi din makapaniwala ang hindi na nagpakilalang mister nito.

Kung magkataon, si Maria ang tatanghaling pinaka-matandang babae na nanganak sa buong mundo kung saan maaari niyang talunin ang record ni Maria Del Carmen ng Bousada de Lara ng Spain na nanganak ng kambal sa edad na 66 years old.

Facebook Comments