KALABOSO | Dating bodyguard na wanted sa kasong pagnanakaw, arestado sa Caloocan

11

Caloocan City – Hindi na nakapalag pa ang isang wanted na lalaki na dating bodyguard sa ikinasang operasyon ng Northern Police District (NPD) sa Barangay 12, Dagat-Dagatan, Caloocan City.

Kinilala ang nadakip na si Paran Pacanza na nahaharap sa kasong pagnanakaw sa Calamba City, Laguna.

Ayon sa mga awtoridad, noong Enero pa ngayong taon nagsimulang magtago sa batas si Pacanza pero tapos na ang maliligayang araw nito matapos matunton ang kanyang kinaroroonan sa dagat-dagatan.

Bagaman at nasakote na, todo tanggi pa din si Pacanza na mayroon itong kasong pagnanakaw at saka iginiit na mistaken identity lamang daw ang nangyari.

Facebook Comments