#FLASH Mga motorista stranded dahil sa suspected IED sa Shariff Aguak ngayong umaga

27

Isang oras ng stranded ang mga motorista na papasok at palabas ng Shariff Aguak dahil sa namataang suspected Improvised Explosive Device ngayong umaga.

Sa impormasyong ipinarating ni Philippine News Agency Cotabato City Bureau Chief Noel Punzalan na kabilang rin sa naperwisyo ang byahe, sinasabing papasok na sila ng Shariff Aguak pasado alas sais kanina, magmula sa Gensan Area ng harangin sila ng mga otoridad at pansamantalang pagbawalang tumuloy sa highway.

Tinatayang hindi bababa sa 50 mga vehicles ang stranded, Nagpapatuloy naman ang ginagawang follow up ng mga otoridad kaugnay sa namataang suspected IED.

Kagabi isa ring IED na may bala ng 40mm ang sumabog sa Poblacion Datu Paglas. Wala namang may nasaktan sa explosion ayon sa military.

NYP PIC

Facebook Comments