Muntinlupa City – Nakuwelyuhan ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang Indian nationals na sangkot sa pagbebenta ng mataas na kalidad ng marijuana at ecstasy sa Alabang Hills Village Cupang Muntinlupa City.
Aabot sa mahigit isang milyong pisong halaga ng kush at hashish mga imported na variety ng marijuana ang nasamsam sa mga suspek na kinilalang sina Rajiv Gidwani at Jeremiah Alero Carillo.
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, noong araw pa ng Huwebes naaresto ang mga suspek na ang mga parokyano ay mga anak ng mayayaman, artista at mga kabataang mahilig sa gimikan.
Matapos na makakuha ng search warrant sa korte agad nagkasa ng follow operation sa bahay ni Gidwani at nakakuha ang mga otoridad ng mahigit 160-piraso ng ecstasy, ilang plastic ng kush at mga drug paraphernalia.
Samantala, habang nagsasagawa ng inventory inaresto rin ng PDEA si Nari Kishinchand ang ama ni Ginwani matapos umano itong maglatag ng isang milyong piso kapalit ng pagpapalaya sa naaresto nitong anak.