KALABOSO | Isang ginang, arestado sa buy-bust operation sa Roxas City

Roxas City – Arestado ang isang ginang sa ikinasang drug buy-bust operation sa Pavia St., Barangay 9, Roxas City.

Kinilala ang nadakip na si Marivic Bergantinos na residente ng Philippine Railway St., Roxas City.

Narekober sa suspek ang anim na sachet ng shabu, P1,000 na marked money, cellphone at lighter.


Inaalam na ngayon kung sinu-sino pa ang kasabwat ng suspek sa pagbebenta ng shabu at maging ng source nito ng iligal na droga.

Facebook Comments