KALABOSO | Isang kapitan ng barangay, arestado sa iba’t-ibang uri ng baril

Batangas – Arestado ang isang chairman ng Barangay Sta Clara, Sto.Tomas, Batangas matapos mahulihan ng iba’t-ibang uri ng baril.

Nakilala ang suspek na si Barangay Captain Jay Monterola habang inaresto din ang kasamahan nito na sina Crizaldo Castillo at Samuel Gordora na hinihinalang private armed groups ng kapitan.

Ilan sa mga narekober na baril sa suspek ay isang carbine rifle, dalawang caliber .45 pistol, anim na magazines ng caliber .45 at mga bala.


Isusumite sa crime lab ang mga narekober na armas para isailalim sa ballistics examination para matukoy kung ang mga nasabing baril ay ginamit sa krimen.

Facebook Comments