MENTALLY DEPRESSED | Isang padre de pamilya, patay matapos gawing hostage ang kaniyang mag-ina

Camarines Sur – Patay ang isang padre de pamilya matapos gawing hostage at pagtatagain ang sarili nitong pamilya sa Barangay Cabasag Lower, Del Gallego, Camarines Sur.

Sa ulat, wala sa sarili ang suspek na si Norman Nario nang gawing hostage ang live-in partner na si Lyn Baluyan kasama ang kanilang tatlong menor de edad na anak.

Gamit ang itak, pinagtataga nito ang ginang sa ulo habang nadamay pa ang isang taong gulang na bata.


Dahil dito, napilitan paputukan ang suspek hanggang sa mapatay ito kung saan mabilis na naisugod sa ospital ang mag-ina.

Pinaniniwalaan namang ang pagiging “mentally depressed” ng suspek ang nagtulak dito para magawa ang nasabing krimen.

Facebook Comments