Pasay City – Nahaharap sa patong-patong na kaso ang isang 17-anyos na lalaki matapos makuhaan ng shabu at sumpak sa Barangay 127, Zone 13, Pasay City.
Ayon sa Pasay Police, nagpapatrolya ang mga tauhan ng Central Park PCP nang sitahin ang suspek na walang suot na pang-itaas.
Nakuha sa suspek isang plastic sachet ng shabu at sumbak nang kapkapan ito ng mga pulis.
Nahaharap sa kasong paglabag sa city ordinance 3395 o half naked at possession of illegal drugs at improvised firearm.
Facebook Comments