KALABOSO | Jueteng station sa QC, sinalakay ng NBI

Quezon City – Abot sa 60 tao ang inaresto ng mga tauhan National Bureau of Investigation (NBI) matapos salakayin ang isang pasugalan na may operasyon ng “jueteng” sa apat na barangay sa Quezon City.

Ito ay matapos magreklamo ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ayon kay Manuel Fraginal ng PCSO, wala siyang permit para mag-operate at ginagamit rin ng grupo ang logo ng ahensya.


Batay sa imbestigasyon ng NBI, dating peryahan ang lugar pero dahil hindi sila nakakapag-remit ay nakansela ang kanilang prangkisa.

Sa kabila nito, nagpatuloy pa rin ang operasyon ng pasugalan na kumikita ng hindi umano bababa sa P600,000 kada araw.

Sabi ni Atty. Fem Martinez, agent-on-case ng NBI, bukod sa Cubao, nangongolekta rin sa Baesa, Sangandaan at San Bartolome ang mga kobrador nito.

Maliban sa hindi pagbabayad ng buwis, wala ring katiyakan kung patas ang pasugalan.

Kakasuhan ng illegal gambling ang mga kabo, kobrador at staff ng pasugalan.

Habang inaalam na ng iniimbestigahan naman ng NBI kung may mga protektor ito.

Facebook Comments