TIMBOG | 2 babae huli dahil sa pagbebenta ng iligal na droga

Arestado ang dalawang babae kasunod ng kinasang drug buy-bust operation sa Westpoint Street Barangay E. Rodriguez Cubao Quezon City kaninang madaling araw.

Kinilala ang mga suspek na sina Honeybee Mamaril Santos, 32-anyos at Kimberly Doup, 24-anyos.

Ayon kay Police Senior Inspector, Ramon Aquitan hepe ng Drug Enforcement Unit ng QCPD Station 7. Nakipagkita ang mga suspek para makapagbenta ng 500 pesos na halaga ng shabu matapos matanggap ang mark money agad inaresto ang mga suspek.


Sumatotal, 10 pakete ng pinaniniwalaang shabu ang na-recover.

Section 5 at 11 ng R.A 9165 ang isasampang kaso laban sa arestadong suspek.

Facebook Comments