KALABOSO | Konsehal, huli matapos makuhanan ng shabu

Cebu – Arestado ang 40-anyos na konsehal matapos makuhanan ng shabu sa Brgy. Armenia, Malabuyoc, Cebu.

Kinilalang ang suspek na si James Serval Pimentel at konsehal sa nasabing lugar.

Nakumpiska mula kay Pimentel ang dalawang malalaking pakete ng pinaniniwalaang shabu na may timbang na humigit kumulang tatlong gramo, dalawang maliliit na pakete na may timbang na .80 grams at tatlong piraso ng aluminum foil.


Tinatayang aabot sa P47,200 halaga ng kontrabandong nakuha kay Pimentel.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments