KALABOSO | Koreano – Arestado dahil sa iligal na pag-o-operate ng negosyo sa Boracay

Aklan – Isa na namang dayuhang negosyante sa Boracay ang inaresto ng Bureau of Immigration dahil sa expired na business working permit.

Kinilala ang Korean national na si Kooktae Kong, 37-anyos.

Ayon sa Boracay Tourist Assistance Center – Sakay ng bangka ang Koreano kasama ang iba pang pasahero nang maharang sila ng mga tauhan ng Metro Boracay Task Force habang patawid sa isla.


Napag-alaman na tuloy pang operasyon ng sailor’s travel ang tour agency ni Kooktae kahit paso na ang permit nito noon pang february 2017.

Kinasuhan na rin siya ng paglabag sa Philippine Immigration Act of 1940 dahil sa iligal na pagtatrabaho sa bansa.

Nito lang April 26 nang maaresto ng BI ang American national na si Randall Lee Parker dahil sa pag-o-operate ng kanyang resort, isang araw matapos ang Boracay closure.

Facebook Comments