KALABOSO | Lalaki, arestado matapos patayin at sunugin ang bayaw nitong Indian national sa Isabela

Isabela – Arestado ang isang lalaki matapos patayin at sunugin ang bayaw nitong Indian national sa Santiago City, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Jundi Singh habang ang suspek ay si Surinder Singh.

Sa ulat, nakita sa loob ng apartment ang biktimang wala nang buhay at naliligo sa sariling dugo habang sunog ang ilang bahagi ng katawan nito.


Tinangka pa ng suspek na tumakas pero kaagad siyang nahabol at naaresto ng mga pulis.

Facebook Comments