SUICIDE | Guro sa leyte, nagpakamatay dahil sa pressured daw sa trabaho

Leyte – Posibleng pressured sa trabaho ang nakikitang dahilan ng pagpapakamatay ng isang guro sa elementarya sa Leyte.

Kinilala ang biktima na si Emylou Malate, 21-anyos, nagtuturo sa Lapaz Elementary School.

Sa ulat, nakita na lamang ng kanyang ama ang biktima na nakabigti at wala nang buhay.


Nabatid na nag-iwan pa ng suicide note ang guro at nag-video pa ito habang ginagawa ang pagpapakamatay pero agad na binura ng mga magulang nito ang naturang video.

Facebook Comments